top of page
closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg
IMG_6087.HEIC
246179219_406807824299558_810786402491362251_n.jpg

Joanne V. Manzano

Associate Professor

Araling Amianan (Hilagang Luzon), Panitikang Maritimo sa Pilipinas, Araling Pesante

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

Kawaksing Propesor si Joanne Visaya Manzano sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Kabilang sa mga interes sa pananaliksik ang panitikang maritimo sa Pilipinas, Araling Seaman, kilusang pesante sa Lambak ng Cagayan, at Araling Amianan. Kabilang sa nailathala nang mga akda ang aklat na Ang Pilipinong Seaman sa Globalisasyon: Mga Naratibo ng Pagsubok at Pakikibaka (2018) at mga artikulong “Potensiyal ng Kadagaan at Dangadang sa Haraya ng Nasyon: Pagsusuri sa Nobela at Pahayagang Dangadang sa Balangkas ng Talabang Pambansa-Rehiyonal ni Lumbera” (2020); “Ontolohiya, Materyalidad, Metapora, at Transgresyon: Haraya ng Dagat sa mga Piling Kuwento ni Gremer Chan Reyes” (2020); at “Potensiyal ng Kadagaan sa Pakikibaka para sa Lupa: Danas ng Hacienda Sta. Isabel at San Antonio” (2021). Miyembro si Prop. Manzano ng Tanggol Wika, All UP Academic Employess Union, at Movement Against Tyranny.

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

Manzano, Joanne. “Potensiyal ng Kadagaan at Dangadang sa Haraya ng Nasyon: Pagsusuri sa Nobela at Pahayagang Dangadang sa Balangkas ng Talabang Pambansa-Rehiyonal ni Lumbera.” Bien! Bien! Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman, 2020. p. 39-55. “Ontolohiya, Materyalidad, Metapora, at Transgresyon: Haraya ng Dagat sa mga Piling Kuwento ni Gremer Chan Reyes.” Malay Journal, De La Salle University, December 2020. Ang Pilipinong Seaman sa Globalisasyon: Mga Naratibo ng Pagsubok at Pakikibaka. Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman, 2018. ISBN 978-635-054-8. “Pagtukoy at Pagpapakahulugan sa mga Akdang Maritimo sa Pilipinas: Mga Makabuluhang Katangian at Kaugnay na Usapin.” Daluyan Journal, Sentro ng Wikang Filipino, 2018. “Mga Naratibo ng Pakikibaka sa Hacienda San Antonio at Sta. Isabel ng Ilagan Isabela Laban sa Korporasyong ANCA (1980-1983).” Talas: Interdisiplinaryong Journal sa Edukasyong Pangkultura, National Commission on Culture and the Arts at Philippine Cultural Education Program, Tomo 2, 2017. “Ang Great Wall of Pansol Bilang Representasyon ng mga Kontradiksyon sa Espasyong Urban.” Scientia: The Research Journal of the College of Arts and Sciences, San Beda College Manila, June 2016 “Panimulang Pag-aaral sa Hulagway ng Pilipinong Seaman sa mga Maikling Kuwento at Tula (1990 – 2010).” Lagda: Journal ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Diliman, 2015

bottom of page