top of page
closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg
IMG_6087.HEIC
246179219_406807824299558_810786402491362251_n.jpg

Mary Jane B. Rodriguez

Associate Professor

Indigenous Studies (Araling Katutubo), Philippine Studies, wika

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

"Nagtapos ng BA at Masterado sa Kasaysaysayan at Doktorado sa Philippine Studies sa UP Diliman, kasalukuyan siyang katuwang na propesor sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Umiikot sa wika, kasaysayan, kalinangang bayan at dunong katutubo ang kanyang propesyon at adbokasiya, tampok ang mga usapin ng etnisidad, kababaihan, kabataan at politika ng wika. Masasabing ""hugpungan"" ng mga disiplina ng kasaysayan, antropolohiya, at wika/lingguwistika ang kanyang mga pananaliksik at pag-aakda. Ibinalangkas din sa nasabing hugpungan ang kanyang disertasyong pinamagatang ""Serepungan: Ang 'Katutubo' sa Hugpungan ng mga Diskurso (Isang Pag-aaral sa mga Erumanen ne Menuvu at Teduray-Lambangian)"" . Kasalukuyan din siyang pangulo ng Aliguyon-UP Folklorists, Inc. na nagsusumikap palalimin at palawigin pa ang mga saliksik sa kaalamang bayan sa pamamagitan ng mga gawaing kolaborasyon sa mga katutubong Pamayanan (IPs) . Mahigpit na ipinamamalay ng kanyang mga saliksik, akda, at adbokasiya ang pagteteorisa sa mga araling Pilipino gamit ang dunong katutubo-at-bayan at ang wikang dinadaluyan ng mga ito. Ilan sa mga ito ay pumapatungkol sa ""Ili"" ng mga Ilokano at Igorot ng Kordilyera (2001), ""beddeng"" ng mga Iloko (2007), ""pannakigubat"" ng mga Isnag ng Apayao (2018), ""tudtulan"" ng mga ""Maguindanaon"" (2017), ""serepungan""/ ""salapungan"" ng mga Erumanen ne Menuvu (2020), at inged ng mga Erumanen ne Menuvu at Teduray-Lambangian (2022-2023).
Sa pagpapatampok sa wika at diskursong ito ng mga nasa ilalim o ""bayang nasa laylayan"" 'ika nga, nag-aambag ang kanyang mga pag-aakda sa patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Naging batayan ang mga nasabing punyagi upang kamakailan ay magawaran siya ng ""Dangal ng Wika 2021"" ng Komisyon sa Wikang Filipino.
"

closeup-white-paper-texture-background-texture-w-2022-10-04-00-07-16-utc.jpg

2020
"Ang 'Kapwa' sa Pakikipagkuwentuhan: Danas at Repleksiyon sa Metodolohiya ng Katutubong Pananaliksik sa ilang Piling Komunidad ng mga 'Katutubo' sa Mindanao.” Talas Journal, Tomo 5, pah. 151-201.

"Beddeng: Hugpungang Sa-laud—Sa-raya: Pagkakaugnay-ugnay at Pag-uugnay-ugnay ng mga Kalinangang Bayan Tungo sa Pambansang Kakanyahan." Nasa Bien! Bien! Alagad ng Sining, Anak ng Bayan, mga pat. Galileo Zafra, Teresita Maceda, at Arlo Mendoza, pah. 110-124. Lungsod Quezon.

"Ang Dalumat ng 'Bayan' sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino." Bagong Kasaysayan: Mga Pag-aaral sa Kasaysayan ng Pilipinas. Monograf/Lathalain Blg. 15 (Revised Edition). Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi.

Patuloy na Pannakigubat para sa Wayawaya: Ang Huling Tindig ng mga Isneg sa Waga Apayao (1913). Sa Tambayayong, Ang Bayanihan sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino, pinamatnugutan nina Vicente C. Villan at Faina C. Abaya-Ulindang. Quezon City: ADHIKA ng Pilipinas, Inc. at National Commission for Culture and the Arts (NCCA), 2020, pah. 261-274.

2019
"Kanya-Kanyang Rizal": Diskurso ng Kabayanihan sa Pelikulang Rizal, Daluyan Journal ng Wikang Filipino, Vol 25, No 1-2: 11-39.

2018
"Pag-iimahen sa Batang 'Katutubo' sa Ilang Piling Kuwentong Pambata: Sipat at Siyasat sa Diskurso ng 'Tribu' (Imaging the “Indigenous” Child in Contemporary Children’s Literature: Revisiting and Revisioning “Tribe” as a Colonial Discourse). Humanities Diliman (January-June 2018), Vol. 15, No. 1, 57-84. [Nagawaran ng "International Publication Award" ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs]

2017
"Kasákit endu Tudtulan: Danas ng 'Sákit' sa Kuwento ng isang Maguindanaon para sa Sariling Pagtatakda." Talas, Tomo 2, 13-50.

Araling Etniko sa Wikang Filipino: Pagpapaibayo ng Pilipinolohiya/Araling Pilipino. Saliksik E-Journal (Mayo), Tomo 6, Blg. 1, 1-37.

2016
Aralin 5: Ang Bayan Hanggang sa Pagkabuo ng Sultanato. Nasa Kasaysayang Bayan: Sampung Aralin sa Kasaysayang Pilipino (Ikatlong Edisyon), mga pat. Rowena Reyes-Boquiren et al. Quezon City: ADHIKA ng Pilipinas, Inc. at Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas. [Ka-may-akda si Jaime B. Veneracion)

2015
"Philippine Studies/Araling Pilipino/Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino. "Humanities Diliman, 12(2): 110-179. [Nagawaran ng "International Publication Award" ng UP Office of the Vice President for Academic Affairs]

"Ang mga Ili ng Kailokohan-Kaigorotan bilang Hugpungang Laud-Daya." Nasa Shuntug: Mga Kabundukan sa Kasaysayan at Kalinangang Pilipino, pat. Lars Raymund Ubaldo, pah. 35-47. Manila: ADHIKA ng Pilipinas, Inc. and NCCA.

"Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar, Muhon ng Kilusang Pilipinisasyon sa Akademya." Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan: Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar, Tomo 1, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, pah. 140-160. Lungsod Quezon: BAKAS.

"Pagsisiyasat sa Estado ng Katutubong Sikolohiya Bilang Kilusan at Disiplina." Salin ng "Examining the Status of Indigenous Psychology as Movement and as Discipline" ni Madelene Sta. Maria. Nasa Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan: Pagbubunyi kay Zeus A. Salazar, Tomo 1, mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan, 161-174. Lungsod Quezon: Bahay-Saliksikan ng Kasaysayan (BAKAS), 2015.

2010
"Reading a Colonial Bureau: The Politcs of Cultural Investigation of Non-Christian Filipinos." Social Science Diliman, Vol. 6, No. 1 (June 2010)

bottom of page